Monday, April 25, 2011

HOLY WEEK ~ SEMANA SANTA


 Ang mga Pilipino ay isa sa mga nagdiriwang at umaalala sa Semana santa o tinatawag na Mahal na Araw. Ito ang pag-alala sa pagpapakasakit ni Hesus sa krus, para sa atin, sa mga nagawa nating kasalanan dahilan ng kanyang pagmamahal sa atin. Tradisyon na ng mga Pilipino ang pagsasabuhay o pagsasadula ng pagpapakasakit na pinagdaanan ni Hesus bago siya ipako sa krus, ang Senakulo.
 Itong linggo ay naging abala ako at ang aking pamilya sa pagbisita sa simbahan (upang makinig ng salita ng Diyos), at sa pagsama sa prusisyon. Nakagawian na namin at maituturing nang isang ritwal ang pagpunta ng simbahan, lalo na sa araw ng pangilin- isa sa mga sampung utos ng Diyos. Isa narin dito ang pagpunta sa simbahan sa Mahal na araw, maliban pa sa Pasko, Bagong taon, etc.

Ito rin ang mga pagkakataong tayo ay makababawi sa kanya at makapagbabalik loob sa mga mabubuting kanyang ginawa sa atin. Ang pagbibigay ng iyong sarili at pagsasakripisyo, kung saan babawasan ang mga nakagawian para ialay ang sarili sa kanya.


Napakasarap sa pakiramdam matapos ang isang linggo ng pagbibigay ng iyong sarili sa Kanya hanggang sa padating ng araw ng Kanyang muling pagkabuhay. Atin siyang mahalin at pahalagahan. :) Pangalagaan ang kanyang mga nilikha at isabuhay ang kanyang mga salita.


Below's the schedule of Holy Week activites in our church.

April 17 - Palm Sunday
 6:oo - mass
April 18 and 19 - mass and confession
April 19 Tuesday - Estasyon ng Bayan  (when we had the long walk for the 14 stations :)
April 20 Wednesday - Mass and confession,  sa hapon Prusisyon ng pagpapakasakit - The procession of the Saints 

April 21 Thursday- Misa ng Krisma (Balanga Cathedral), 5:oo Mass for the Last Supper, 6:oo pagbabantay sa banal na sakramento
April 22 Friday- Araw ng Abstinensya at pag-aayuno
-Seven last words / Siete Palabras
-4:oo pm Pagpaparangal sa banal na krus
-6:oo pm Prusisyon ng pagkamatay at libing ng ating Panginoong Hesukristo
April 23 Saturday - 8:oo pm Bihilya ng muling pagkabuhay 10:oo pm, Prusisyon ng pagsalubong
April 24 - Easter Sunday!!! :)))


~HAPPY EASTER SUNDAY ~

No comments:

Post a Comment