Friday, June 17, 2016

Hindi Ako Makapaniwala


Sabi nilay mahirap akong mahalin
Walang makatitiis,akoy iiwan din
Noo'y Hindi ko alam saan hahanapin
Ang taong tunay na magmamahal sa akin.

Ngunit sabi mo, sabi mo sa akin
Puso ko'y kaya mong mahalin
Mga mali ay tatamaain
Habang buhay na pasasayahin.

Salamat sa tamis, sa yakap na mahigpit,
Salamat sa halik, nakalimutan ko ang sakit,
Salamat sa mga ngiting nagpawala ng pait,
Ikaw o sinta sa lahat ay pumalit.

Hindi makapaniwala sarili kong mga mata
Itoy masaya, nagniningning parang tala
Ang dating lumuluha't  palaging tulala,
Iyong binuhay, hindi ako makapaniwala.




❤️It's been 2 years since I last posted. And this poem is actually a product of a sudden urge to write what I'm feeling in the middle of the night. My brain has been working a lot lately. Gonna have to give this to my brother for the tune. Yes, Will try to turn this poetry  into a song.